
Editorial by Edz del Castillo
Isa sa mga rason bakit daw i-impeach si Sara ay dahil daw sa accountability. Isa sa mga ginamit nilang rason ay ang kanyang confidential fund. Isa raw iyang betrayal of public trust. Pero hihimayin natin ang mga pangyayari.
Kapag sinabi nating spending more millions or billions, ilagay natin ito sa konteksto na ilang taon nang tinutuligsa ang Confidential Fund ni Inday Sara. Nauna siyang atakihin sa media. Base sa kasaysayan ng PR o publicity management sa Pilipinas, ang mga sunod-sunod na atake sa isang pulitiko ay maaaring isang negative PR campaign, at may operator sa likod nito. Sa ganitong paraan palang, milyong-milyon din na kaperahan ang gagastusin para makapag-launch ng national PR media campaign.
Isa rin ang tila walang hanggan na congressional inquiry kung saan gumagasto rin ang gobyerno ng milyon-milyon para sa mga congressional operations na ito. Hindi lang iyan, kasama na rin dito ang mga related inquiries sa mga kaalyado ng mga Duterte na siyang laging laman sa mga legislative inquiries. Ang mga mas importanteng batas ay tila napabayaan na. Ginawa nang kangaroo court ang Kamara.
As expected, tinuloy din nila ang impeachment ng Bise Presidente. Sa kasaysayan ng mga impeachment sa Pilipinas, lagi itong nababahiran ng mga issues ng anomalya at alleged bribery para sa mga boto ng mga Senador or Kongresista gaya sa kaso ng ousted SC justice na si Corona. Ang mga allegations na ito ay hindi nabigyan ng karampatang imbestigasyon para malaman ang totoo. Nabaon na lang ito ng panahon, at mananatiling case unclosed ang mga issues ng bribery at corruption sa mga impeachment cases.
Ganito rin ang impeachment ni Inday Sara. Nababahiran din ito ng mga ugong-ugong na may mga panunuhol ng mga kritiko. Bagamat walang ebidensiyang maipakita ang mga kritiko na may panunuhol (dahil wala namang aamin diyan kung tatanungin), hindi maiwasang ganito ang kanilang iniisip dahil sa pagbaha ng mga unprogrammed funds, mga bilyong-bilyong budget insertion, at ang mga blanko sa bicameral report ng GAA. Ito ang mga hinahalaang source ng pondo para mapatalsik ang Bise Presidente. Pero, teka. Bilyon-bilyon po ang mga ito. Ang issue niyo po ay 125 Million na Confidential Fund. Hindi ba dapat i-liquidate muna ang mga bilyones na ito habang nad-dedemand ng transparency sa 125 million ni Inday Sara? Bakit gagasto pa ng bilyon-bilyon kung pwede namang i-challenge ito sa Supreme Court sapagkat iyan naman ang tamang proseso at hindi ang impeachment? Hindi mababawi ang 125 Million sa impeachment, tapos gumasto pa ng milyones o bilyones. What's the point of using this 125 million issue? Para ba ito sa bansa o sa pansariling interes ng iisang tao?
Para mas maintindihan natin ang mga rason sa impeachment case na ito, basahin natin ang mga nasa ibaba.
🟥 Ang CF ni Inday ay ginasto ng 11 days
Ito ang tamang proseso. Kailangan i-allocate ang CF ni Inday in 11 days dahil matatapos na ang fiscal year. Kung hindi niya ito gagastusin, magiging red-flag ito sa "underutilization." In short, KAILANGANG GASTUSIN ANG CF IN 11 DAYS para hindi ma-tag sa underutilization dahil naka-allocate iyan na gastusin bago matapos ang fiscal year. Sa gobyerno, ang underutilization of fund ay isang red flag.
🟥 Ang CF ni Inday ay dumaraan din sa audit process.
Dumaan sa guidelines ng Joint Circular 2015-01 ang proseso ng auditing ng CF ni Inday. Ayun sa guideline na iyan, ang CF ay matters of national security. Hindi ito pwedeng basta-basta isapubliko dahil masisira ang intel operations ng gobyerno kapag ito ay sinapubliko. Hindi lang si Inday ang sakop nito, SAKOP NG GUIDELINE NA ITO ANG LAHAT NG AHENSIYA ng gobyerno na may CF. Sumusunod lamang si Inday sa guidelines.
🟥 Ang COA ang may trabaho na i-audit ang CF base sa kanilang constitutional mandate at mga provisions ng joint circular.
Kung nabasa niyo ang Joint Circular, maraming mga operational guidelines doon since Marcos Sr time ang ni-cite at applicable pa rin hanggang ngayon na pinagbabawal ang public discussion sa actual content ng CF habang hindi pa ito declassified at ongoing pa ang mga intel operations. Hindi sakop sa trabaho ng kongreso na oversight function ang i-audit ang CF dahil abuse iyan ng power nila. Ang trabaho nila ay gumawa ng batas, hindi mag-audit.
🟥125 million ang ini-issue nila na may anomalya; pero hanggang ngayon, WALANG MAPATUNAYAN na wrongdoing o actual conviction.
Allegedly, may bayad daw na 150 million ang kada kongresista para pumirma sa impeachment case. Hindi natin ito ma-verify dahil wala naman tayong access sa kanila, pero ito ang kumakalat sa social media. Kamakailang, nag-deny naman ang mga kongresista na hindi raw ito totoo.
Hindi rin maiiwasang mag-speculate na may bayarang nangyayari kasi billions of unprogrammed fund ang pinasa sa GAA at may blank pages pa sa bicameral report para sa GAA na hindi ma-explain kung sino ang nag-insert sa final version ng GAA. Ito ang alleged source ng bribery sa mga kongresista.
In view of public trust, may responsibility ang HoR na i-explain at iliquidate ang mga unprogrammed funds, AKAP, AICS, TUPAD, etc kung saan ito napunta. Kasi, binabanatan nila si Inday ng betrayal of public trust. Hindi ba dapat sila ang maging modelo dahil sila naman ang nagpu-push ng public trust narrative na iyan?
Kung sabagay, sila naman ang nagdedemand ng accountability kay Inday. Dapat maging modelo sila. They should practice what they preach. Kaya i-liquidate ang mga pera sa HoR para matanggal ang mga allegation na 150 million ang bribery fund per signature.
So what's the point of spending weeks of legislative inquiry ng 125 million para panagutin si Sara kung mismong mas malaki pa ang alleged 150 million na bayad sa mga signature per congressman? Pero sabihin na nating walang bribery, billions of unliquidated funds are still way more than the 125 Million. Hindi ba dapat ito ang priority dahil billions na ang ginagasta ng gobyerno sa mga ganitong operations pero wala man lang silang paki?
Sino dito ang tunay ng nag-betray ng public trust? Si Inday na sinasagot ang mga issue ng CF sa tamang forum sa Supreme Court? Or iyong mga nababayaran ang integridad?
What's the point of demanding accountability for 125M if there are questionable spending of billions, directly or indirectly, to operate the impeachment of Sara?
What's the point?
No comments