
Sa nakaraang budget hearing ng OVP (Office of the Vice President), hindi na niya (Sara Duterte-Carpio) ginamit ang kanyang pagkakataon na gamitin ang kanyang "privilege" na sumagot para sa kanyang 2025 briefing.
Ibig sabihin, binibigyan niya ng kapangyarihan ang Kongreso na mag-decide sa kanyang budget—kasama na riyan iyong pagbawas o pagtanggal nila sa kanyang panukalang budget.
However, kahit hindi nagbibigay ng sagot si Inday Sara base sa gustong marinig ng nagtatanong, pina-reschedule ang session sa ibang araw kahit alam naman na nila ang isasagot niya.
Kung mapapansin natin, walang tanong ang mga Kongresista tungkol sa 2025 budget. Karamihan ng mga tanong nila ay tungkol sa 2022 transfer ng confidential fund.
Ito ang dahilan kung bakit nag-request ng rule si Inday Sara sa hearing, dahil ang mga katanungan ng mga Kongresista ay hindi na nila sakop gaya ng ng legality ng Confidential Fund at kung paano ito na-utilize.
Related: How did Sara Duterte Spend Her 125-Million Confidential Fund?
Ang audit at discussion ng Confidential Fund ay may sariling guidelines. Hindi Kongreso ang gumagawa ng post-utilization audit dahil trabaho iyan ng CoA. Ganun din ang pag-determine kung legal o hindi, dahil trabaho iyan ng Korte.
🟥 ANG PANG-AABUSO NG KAPANGYARIHAN NG IBANG MIYEMBRO NG KAMARA
Ang Congress ang may "power of the purse." I'm pretty sure hindi satisfied ang Congress sa interrogation, and it's so easy for them not to give Inday a budget.
A ZERO budget or budget realignment for the OVP is what they were threatening, but Inday didn't care about defending her budget anymore due to politicking.
Ang tanong, bakit pa mag-reschedule ang Congress ng ibang budget briefing kung alam naman na nila na hindi sasagot si Inday? Ginagamit ba nila ito para mag-grandstanding sa Kongreso at abusuhin ang kanilang kapangyarihan?
Matatandaang ang tanong ni France Castro (na convicted criminal for child abuse ng RTC) ay hindi naaayon sa power nila na taga-gawa ng batas. Nag-bigay ng judgment si Castro noong sinabi niyang "illegal" ang transfer ng Confidential Funds mula Office of the President papunta ng OVP. Trabaho ng Korte ang pagbibigay ng verdict, at maliwanag na inabuso ni Castro ang kanyang position bilang Kongresista by encroaching into the boundaries of the power of the Judiciary using the resources of the government in that hearing. Ang masaklap nito, gusto niyang sagutin ni Sara ang mga tanong niya na hindi angkop at may pamumulitika. Nasabi ko na sa taas na ang tanong ni Castro about sa legality ay trabaho ng Korte.
🟥 "STICK TO THE PLAN" - ANO ANG PLINANO NG KONGRESO PARA KAY INDAY NA HINDI ALAM NG TAUMBAYAN?
Kayá ba may extension ang budget briefing dahil hindi nagtagumpay ang plano nila? Matatandaang sinabi ni Rep. Stella Quimbo ang katagang "Stick to the Plan." Ang tanong, ano ang "plan" ni Quimbo at ang kanyang nga enablers?
In the end, gusto mo man si Inday or hindi, she unmasked the real intention of some members of the Congress.
She also proved a point na may pamumulitikang nangyari masked as "inquiry" kahit they denied it. The fact na pare-pareho lang ang sagot niya yet some of the members of the Congress ay patuloy pa rin sa pagtatanong (at alam naman pala nila ang sagot), this goes to show that they really want to "stick to the plan."
Inday Sara also called out Quimbo sa pagsasabi niya ng "stick to the plan." Kahit naka-record sa video na sinabi ito ni Quimbo, nag-deny pa rin siya na hindi niya sinabi ito. Nagsisinungaling si Quimbo sa bahaging ito, considering siya ang presiding officer at nagsasabi na "follow the order." Mismong si Quimbo ay questionable ang kanyang moralidad sa kanyang pagsisinungaling para lang sa kanilang "plano." Freudian slip kaya iyan?
Sa Psychology, ang Freudian slip ay described as "an unintentional error regarded as revealing subconscious feelings." Ibig sabihin, hindi mo sinasadyang sabihin ang isang bagay kasi ayaw mong mabukíng. Pero dahil iyon talaga ang nakatagong intention mo at plano, lumalabas siya ng kusa na hindi mo sinasadya. Iyan ang theory ng Freudian slip.
Nag-reschedule pa sila ng bagong briefing. Dahil ba hindi umubra ang orihinal nilang "stick to the plan?" Bakit may pa-briefing ulit in another day if there's no point of giving her a budget anymore? Nag-change sila ba sila ng plan para gawing circus ang Kongreso at sirain ang dignidad nito? Sabi nga nila, ang Kongreso ay isang Crocodile Farm (regardless if it was in the term of BS Aquino III, Duterte, or Marcos Jr), dahil ang kanilang MOOE ay walang scrutiny. Lustay lang ng lustay pero hindi sila required magbigay ng resibo. Sarili nilang pondo, hindi nila ma-justify sa taumbayan using liquidation through receipts.
No comments